Thursday, 16 February 2012

Alamat ng Sampung Datu ng Borneo

Ang Alamat ng Sampung Datu ng Borneo ay tumutukoy sa sampung pinuno ng naturang kalupaan na sinasabing nagpasiyang maglayag patungong Panay sa pagnanais na matakasan ang pagmamalupit at di makatarungang paghahari ni Datu Makatunaw sa Borneo
Nilisan ng mga datu, na lulan ng barangay, ang kanilang sakop kasama ang kani-kanilang mga kabiyak. Kabilang sa mga naglayag ay sina: Datu Puti (at Piangpangan), Datu Sumakwel (at Kapinangan), Datu Bangkaya (at Katurong), Datu Paiborong (at Pabilaan), Datu Paduhinogan (at Tibongsapay), Datu Dumangsol, Datu Libay, Datu Dumangsil, Datu Domalogdog, and Datu Balensuela.
Batay sa alamat, ang mga katutubong Agta, na siyang naninirahan sa kapuluan ng Panay, ay naligalig sa pagdaong ng nabanggit na sampung datu. Upang maibsan ang nadaramang takot ng mga Agta, mahinahong ipinarating ni Datu Puti kay Marikudo, pinuno ng mga katutubo, na dalisay ang kanilang hangarin. Nang lumaon, napagkasunduan ng dalawang panig na makipagkalakalan sa isa't isa, sampu ng kanilang nasasakupan. Inanyayahan ni Marikudo ang sampung datu sa isang piging, at dito'y hiniling ng mga datu na makamtan ang kapatagn ng Panay kapalit ng isang gintong salakot na ibibigay nila sa mga katutubo; maluwag namang nagpaunlak ang hiningan. Simula nito'y nagkaroon na ng mabuting samahan ang mga datu at ang mga Agta.
Hindi nagtagal, namundok rin ang mga Agta sapagkat kanilang napuna na lubhang malawak para sa kanila ang kapatagan, kaya naman naiwan dito ang mga datu at pinaghatian ang kalupaan sa tatlo— Aklan, Irong Irong, at Hamitik
Ang bawat  tao ay hndi kinakailangan mag away, pagkakasundo at mabuting pag uusap lamang ang kailangan upang m,atugunan ang bawat pangangailangan at masolusyunan ang bawat problema. 
Walang gulo, walang giyera, tahimik na pamumuhay...
Sa loob ng mahabang panahon, ang alamat na ito ay kinilala ng mga lokal na mamamayan ng Panay bilang bahagi ng kanilang kasaysayan - isang matibay at matatag na patunay ng pagkakabuo ng kanilang lipunan at lahi. Subalit batay sa pagsusuri ng mga dalubhasa, ang naturang salaysay ay wala sa katuwiran at itinuturing na peke o huwad.

1 comment: