Thursday, 16 February 2012

Ang Lobo at ang Ubas

Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.
Ang kuwentong "Ang lobo at ang ubas ay tungkol sa isang lobo na nakakita ng puno ng ubas "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno."Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubasna iyon," ang sabi niya sa sarili.
Tulad ng isang lobong nabigong makuha ang ubas, ay maihahalintulad sa isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang iniibig dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay maaaring magsabi ng "hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto."
Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang sour graping lamang. Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.

Alamat ng Sampung Datu ng Borneo

Ang Alamat ng Sampung Datu ng Borneo ay tumutukoy sa sampung pinuno ng naturang kalupaan na sinasabing nagpasiyang maglayag patungong Panay sa pagnanais na matakasan ang pagmamalupit at di makatarungang paghahari ni Datu Makatunaw sa Borneo
Nilisan ng mga datu, na lulan ng barangay, ang kanilang sakop kasama ang kani-kanilang mga kabiyak. Kabilang sa mga naglayag ay sina: Datu Puti (at Piangpangan), Datu Sumakwel (at Kapinangan), Datu Bangkaya (at Katurong), Datu Paiborong (at Pabilaan), Datu Paduhinogan (at Tibongsapay), Datu Dumangsol, Datu Libay, Datu Dumangsil, Datu Domalogdog, and Datu Balensuela.
Batay sa alamat, ang mga katutubong Agta, na siyang naninirahan sa kapuluan ng Panay, ay naligalig sa pagdaong ng nabanggit na sampung datu. Upang maibsan ang nadaramang takot ng mga Agta, mahinahong ipinarating ni Datu Puti kay Marikudo, pinuno ng mga katutubo, na dalisay ang kanilang hangarin. Nang lumaon, napagkasunduan ng dalawang panig na makipagkalakalan sa isa't isa, sampu ng kanilang nasasakupan. Inanyayahan ni Marikudo ang sampung datu sa isang piging, at dito'y hiniling ng mga datu na makamtan ang kapatagn ng Panay kapalit ng isang gintong salakot na ibibigay nila sa mga katutubo; maluwag namang nagpaunlak ang hiningan. Simula nito'y nagkaroon na ng mabuting samahan ang mga datu at ang mga Agta.
Hindi nagtagal, namundok rin ang mga Agta sapagkat kanilang napuna na lubhang malawak para sa kanila ang kapatagan, kaya naman naiwan dito ang mga datu at pinaghatian ang kalupaan sa tatlo— Aklan, Irong Irong, at Hamitik
Ang bawat  tao ay hndi kinakailangan mag away, pagkakasundo at mabuting pag uusap lamang ang kailangan upang m,atugunan ang bawat pangangailangan at masolusyunan ang bawat problema. 
Walang gulo, walang giyera, tahimik na pamumuhay...
Sa loob ng mahabang panahon, ang alamat na ito ay kinilala ng mga lokal na mamamayan ng Panay bilang bahagi ng kanilang kasaysayan - isang matibay at matatag na patunay ng pagkakabuo ng kanilang lipunan at lahi. Subalit batay sa pagsusuri ng mga dalubhasa, ang naturang salaysay ay wala sa katuwiran at itinuturing na peke o huwad.

It's No Fun Being Poor

 
“... A person who allows his money to manage him instead of him managing his money is poor. No matter how much or little we have to live on each week or month, it needs to be used wisely. We need to decide on a budget and live within it.One of life’s great lesson is to teach us that what we do with what we have is more important than what we have. We do not judge the value of the sun by its height, but for its use. 
With friends, virtue, character, truth, integrity, repentance, and other God-given gifts, pearls of great price are ours for the seeking. It’s no fun being poor. Fortunately, none of us has to be.”
Elder Marvin J. Ashton

Wednesday, 15 February 2012

BESTFRIENDS

Add caption

CLOCK







2:00 o' clock




8:00 o'clock




7:25 




9:00 o'clock

ALAMAT NG ROSAS


Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang “Rosa,” na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.
Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

Invisible Aligators

 for the red furies
A young monkey named Sari woke up one morning and knew there was trouble.




She hopped out of bed and found that the bridge on her favorite castle
had been broken in the night, and it took her forever to fix it.



As they walked he explained, "You see, we cause trouble in all kinds of ways.

Then she found her stairs covered in toys.
She tripped on one and had to pick them all up.

THEN she couldn't ride her llama to school because the whole herd was running loose.
It took her six tries to get them onto a pointy rock so they would calm down
and quit trying to eat her homework.
 

 he was so late that she missed almost all of her favorite class, Algebra II.
And her homework was covered in bites and hoof prints.
 




She'd had enough.
 




Tonight Sari would put a stop to this.




So she followed him deep into the alligator catacombs.

Mga Bayani

Si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.

Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila. Pinamumunuan ni Magallanes ang unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa kapuluan. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si  Magallanes sa labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapu-lapu ng bansa.



Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora. Tinulungan niya ang mga Katipunero. Binigyan niya sila ng pagkain at tirahan. Inalagaan pa niya ang mga may sakit at sugatang Katipunero. Isa iyang matapang na Pilipino.
Apolinario Mabini
Isang napakatalinong tao at may napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng Himagsikan.


Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan ng mga Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga Pilipinong lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng sandata o himagsikan. Gusto nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa EspaƱa.