Thursday 16 February 2012

Ang Lobo at ang Ubas

Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.
Ang kuwentong "Ang lobo at ang ubas ay tungkol sa isang lobo na nakakita ng puno ng ubas "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno."Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubasna iyon," ang sabi niya sa sarili.
Tulad ng isang lobong nabigong makuha ang ubas, ay maihahalintulad sa isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang iniibig dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay maaaring magsabi ng "hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto."
Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang sour graping lamang. Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.

Alamat ng Sampung Datu ng Borneo

Ang Alamat ng Sampung Datu ng Borneo ay tumutukoy sa sampung pinuno ng naturang kalupaan na sinasabing nagpasiyang maglayag patungong Panay sa pagnanais na matakasan ang pagmamalupit at di makatarungang paghahari ni Datu Makatunaw sa Borneo
Nilisan ng mga datu, na lulan ng barangay, ang kanilang sakop kasama ang kani-kanilang mga kabiyak. Kabilang sa mga naglayag ay sina: Datu Puti (at Piangpangan), Datu Sumakwel (at Kapinangan), Datu Bangkaya (at Katurong), Datu Paiborong (at Pabilaan), Datu Paduhinogan (at Tibongsapay), Datu Dumangsol, Datu Libay, Datu Dumangsil, Datu Domalogdog, and Datu Balensuela.
Batay sa alamat, ang mga katutubong Agta, na siyang naninirahan sa kapuluan ng Panay, ay naligalig sa pagdaong ng nabanggit na sampung datu. Upang maibsan ang nadaramang takot ng mga Agta, mahinahong ipinarating ni Datu Puti kay Marikudo, pinuno ng mga katutubo, na dalisay ang kanilang hangarin. Nang lumaon, napagkasunduan ng dalawang panig na makipagkalakalan sa isa't isa, sampu ng kanilang nasasakupan. Inanyayahan ni Marikudo ang sampung datu sa isang piging, at dito'y hiniling ng mga datu na makamtan ang kapatagn ng Panay kapalit ng isang gintong salakot na ibibigay nila sa mga katutubo; maluwag namang nagpaunlak ang hiningan. Simula nito'y nagkaroon na ng mabuting samahan ang mga datu at ang mga Agta.
Hindi nagtagal, namundok rin ang mga Agta sapagkat kanilang napuna na lubhang malawak para sa kanila ang kapatagan, kaya naman naiwan dito ang mga datu at pinaghatian ang kalupaan sa tatlo— Aklan, Irong Irong, at Hamitik
Ang bawat  tao ay hndi kinakailangan mag away, pagkakasundo at mabuting pag uusap lamang ang kailangan upang m,atugunan ang bawat pangangailangan at masolusyunan ang bawat problema. 
Walang gulo, walang giyera, tahimik na pamumuhay...
Sa loob ng mahabang panahon, ang alamat na ito ay kinilala ng mga lokal na mamamayan ng Panay bilang bahagi ng kanilang kasaysayan - isang matibay at matatag na patunay ng pagkakabuo ng kanilang lipunan at lahi. Subalit batay sa pagsusuri ng mga dalubhasa, ang naturang salaysay ay wala sa katuwiran at itinuturing na peke o huwad.

It's No Fun Being Poor

 
“... A person who allows his money to manage him instead of him managing his money is poor. No matter how much or little we have to live on each week or month, it needs to be used wisely. We need to decide on a budget and live within it.One of life’s great lesson is to teach us that what we do with what we have is more important than what we have. We do not judge the value of the sun by its height, but for its use. 
With friends, virtue, character, truth, integrity, repentance, and other God-given gifts, pearls of great price are ours for the seeking. It’s no fun being poor. Fortunately, none of us has to be.”
Elder Marvin J. Ashton